POEM 8: Bulaklak sa Tapat ng Bintana
- Peter Ryuken B. Hermosura
- Dec 16, 2021
- 1 min read
Naghihintay siya sa tapat ng naputikang bintana, sinag ng araw, at seldang kalawangin
Sa mga kabarong bubuyog sa hardin, halumigmig, at malamig na ihip ng hangin
Ngunit kung pagsarahan din ng kulog at kulimlim ay malalanta't malalagas din
Ang bulaklak sa tapat ng bintana, bakit hindi mo arugain?
Hindi ang kaniyang lupang pinagtamnan ang dapat mong halukayin
Sa tuwing hindi mo matanggap ang mapusok mong piniling landasin
Hindi ang kaniyang mga luntiang dahon ang dapat mong pitasin
Sa tuwing sa mainit mong dugo'y dumadaloy ang gasolinang alak at gin
Hindi ang kaniyang matayog na sanga't tangkay ang dapat mong padapain
Sa tuwing ang daluyong sa isip mo'y ulan ng mga kutsilyong matalim
Hindi ang kaniyang mga papausbong na talulot ang dapat mong hambalusin
Gamit ang marumi mong palad na may gulang ma'y nagkakamali rin
Puro pasa, puro peklat, sa bintana'y maputla't putikan ang halamang nagkikimkim
Hinahataw at binubulyawang "Wala ka nang magagawa, wala kang mararating"
Kung ang tahanan niya'y isang sugatang alapaap na walang ulap, walang bituin
Ang nanghihinang bulaklak sa tapat ng bintana, hindi mo pa rin ba mamahalin?
Written 16th December, 2021.
Poem copyright © 2021 by Peter Ryuken B. Hermosura, “Bulaklak sa Tapat ng Bintana”
Author's Annotations
This is one of the few Tagalog poems that I ever wrote. I made this poem for a school assignment in our Pananaliksik subject, wherein we were tasked to write a persuasive poem. I decided to use my observations regarding child abuse in the country to write this poem.
Unexpectedly, Bulaklak sa Tapat ng Bintana received critical acclaim from my teacher, Ms. Risel Roquero, commenting the following words on my eLMS account:
Ako ay magiging tapat sa iyo na sa tatlo't mag-aapat na taon ko sa pagtuturo dalawang beses pa lamang ako napabilib ng mag-aaral ko sa paglikha ng tula. Una ay ang panlaban ko sa mga kompetisyon sa Filipino na ika-8 baitang at ito ang ikalawa. Napakahusay ng paglikha, naitago ang simbolismo na tila naging tabak na inu-unday ang mensahe ng patago. Ipagpatuloy mo pa ang pagsulat anak. Naniniwala akong sa dulo ng unos na ito ay bahaghari ang nag-aabang sa iyong kinabukasan.
Upon receiving this appreciation from my teacher in January 2022, I wrote my first poem for the year, titled How to Destroy a Child, also displayed in Peter's Poems and Other Peregrinations.
Comments