POEM 16: Boy Metro
- Peter Ryuken B. Hermosura
- Aug 13, 2019
- 1 min read
Masuwerte ka kapag maluwag ang estasyon ng Monumento
Walang nakapila, walang nag-aabang ng masasakyan.
Hindi mo na kailangang makipagbalyahan,
Dahil alam mong lahat kayo ay makararating sa paroroonan.
Pero sa paminsang pagkakataong sangkaterba ang nag-aabang
Nakikisingit at nakikipag-unahan sa papabukas na pintuan
Kapag bumukas ang pintuan ng tren, ipanghahawi ang mga gamit
Marahang sisikuhin ang katabi, dadaanin sa puwersa ang pagkamit
Mag-uunahan ang mga pasahero sa mga bakanteng puwesto
Uupo’t bubuga, isang hinga na lang, at sila’y makakauwi na rin.
Ngunit sa bawat pagkakataong ako’y sasakay ng tren
Hindi ako makikisiksik tulad ng iba para sa kaginahawaan
Marahan akong babaybay tungo sa likuran
At lagi kong pipiliing tumayo kung may ibang nangangailangan
Sapagkat kung sinong laging tinatangay sa kadulu-duluhan
Sila’ng nakakakita ng mali sa ‘katotohanan’.
Written 2019.
Poem copyright © 2019 by Peter Ryuken B. Hermosura, “Boy Metro”. Slightly edited with permission.
Author's Annotations
Boy Metro is one of the two Filipino poems I wrote in 2019. It used the daily struggle of Metro Manila commuters in LRT to implore honesty and level-headedness, while also sending a message that those at the outskirts of society truly know the struggles of being marginalized. It also chided the inefficiency of our public transport system. Boy Metro is one of the first Filipino poems I wrote, hence the use of simple structure and language.
Comments